Dati-rati, bumibili lang ako ng wonton wrapper na readily available in the market. I preferred the thin ones na mas elastic kesa sa makapal na madaling masira. Ngayon, marunong na akong gumawa ng wrappers. Mas masarap at garantisado! Mejo time-consuming nga lang ang recipe na ito kung gagawa ka pa ng wrapper, but it's worth a try!
nakakatakam, di ba?
Shao-Mai
Ingredients:
1/2 kilo giniling na karne ng baboy (ground pork)
1/2 kilo giniling na karne ng baka (ground beef)
2 tablespoons katas ng luya (ginger juice) -dikdikin ang luya hanggang sa makatas
2 tablespoons cornstarch
5 cloves garlic (finely minced)
1 medium-sized onion (finely chopped or minced)
1 egg
1 cup bread crumbs
2 tablespoons sesame seeds (toasted)
1 tablespoon salt
1 tablespoon sesame oil
pepper to taste
wonton wrappers o gumawa ng sariling wrappers (recipe below)
calamansi, chili-garlic paste (recipe below) at soy sauce
Mahabang oras at tiyaga
Pagsama-samahin ang lahat ng ingredients na binanggit sa taas. Haluin ng malinis na kamay upang magsama-sama ang lahat ng sangkap. Ihanda ang wonton wrappers at lagyan ang bawat isa ng isang kutsarita (teaspoon) ng pinag-samasamang sangkap.
Pasingawan sa kumukulong tubig (steam in a rolling boil) ng 15 minuto.
Serve with chili-garlic paste, calamansi at soy sauce. Sprinkle with toasted sesame seed and chopped shallots before serving.
Chili-garlic paste
Ilagay ang 1/4 tasang dinikdik at tinadtad na bawang (finely minced garlic) sa kawali, lagyan ng 1/8 tasang tubig at tinadtad na sili. Pakuluin sa mahinang apoy hanggang sa maging parang paste at makati (maubos ang tubig). Buhusan ng konting mantika at haluin hanggang sa maging brown ang bawang. Maaring gumamit ng chili-powder o kuchugaru kung gusto ang mapulang kulay nito.
Wonton wrappers:
3 cups all purpose flour
1 egg (beaten)
1/8 cup water
Ilagay sa isang bowl ang flour, ilagay ang itlog. Dahan-dahang lagyan ng tubig habang hinahalo. Masahin (Knead well) mabuti hanggang sa maging isang bola ng dough at wala ng dumidikit sa kamay habang minamasa. I-roll ang dough at putul-putolin sa sukat na1" bawat isa. Gawing bilog na parang holen ang bawat isang gayat. I-flatten ng rolling pin hanggang sa maging manipis na bilog. Gamitin gaya ng regular na paggamit ng wonton wrappers.
Maari din itong gamitin sa fried at boiled dumplings.
Trivia: Kuchugaru - Ay ang tawag sa red hot chili powder sa Korea. Ito ay kulay pula na nagbibigay ng magandang kulay sa lutuin. Ito ang ginamit na pampa-anghang sa chili-garlic paste sa taas.