Kung merong oatmeal cookies, na mabentang-mabenta sa mga bata, meron akong naimbentong oatmeal okoy! At first try, nagustuhan ni Nepot. Lalo na kung isasawsaw sa ketchup. Pwede rin sa sukang may bawang. Nakakatuwa kase dahil lang sa oatmeal sa pantry na hindi na na-consume, naisipan kong gamitin para sa paggawa ng okoy.
Nabili ko ang mga dilis o bulinaw (o anchovies sa English) sa palengke. Kalahati ng mga ito ay kinilaw ko. That's true! isa-isa kong hinimay at inalis ang tinik ng mga pinong isda! Hahay... nakakapagod yon ha. Pero masarap! Masyado akong nasarapan, promise! Okay Okoy, eto na pano gumawa ng oatmeal okoy.
Mga Sangkap:
300 gramo ng dilis o anchovies (med. sized), alisan ng ulo at tinik
1 tasang oatmeal (instant)
1/2 tasang all purpose flour
2 itlog
2 camatis, tinadtad o dinaan sa processor para maging pino
1 sibuyas, tinadtad ng pino
3 pirasong bawang, tinadtad ng pino
asin at paminta
mantika pang-prito
Pano gawin:
Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap. Haluin. Initin ang kawali at lagyan ng matika. Salukin ang mixture ng okoy gamit ang 1/4 tasa. Iprito hanggang maging golden brown ang kulay. Baliktarin. Ulitin hanggang maubos ang mixture. Hmmm... yummy! masarap talaga!
Trivia: Kung nais na mejo crispy ang okoy, gumamit ng 1/4 tasang all purpose flour at 1/4 tasang corn flour o cornstarch.