Friday, January 27, 2012

Beefy Ginataang Kalabasa at Sitaw (Beef with yellow squash and string beans in coconut milk)

Simple ginataan dish that is completely healthy! This dish has the perfect combination of the coconut milk and the milky flavor of beef. Parehong favorites ni nepot! Kaya lang since he's blood type B, i also limit his cravings for ginataan. So, i added oil that is suitable or healthy for him (para mag-blend sa coco oil). At yon na yon--ang beef juice na hahalo sa coconut milk will produce a really delicious flavor (at ciempre ang nutrients ng kalabasa). Pick the yellow one. You only have to simmer the beef (without water) in low fire, to extract its juice. At sa dish na ito, hindi na ako gumamit ng ikalawang gata. I just used kakang-gata (or the first extract) I just added a little water to it.
Well, just one healthy way of pampering my nepot!

Mga sangkap (ingredients):

3 cloves garlic (chopped)
1 medium-sized onion (finely chopped)
300 grams ground beef (lean)
1/4 of a medium sized yellow squash (you can add more if you want)
5-6 pieces string beans (sitaw) (cut into 2")
2 green finger chili
1 full cup kakang gata                                                                                         plus 1/2 cup warm water, salt and pepper to taste
humimig na parang hangin...                                                                                       


Paano lutuin:

Ilagay ang ground beef sa isang mababaw na pan at isalang sa mahinang apoy. Ihalo ang bawang at sibuyas. Lagyan ng konting asin. Haluin at takpan. Hayaang makatas ang juice ng beef habang umiinit ang pan. Hintaying makatas ang juice bago ibuhos ang gata at ang tubig. Huwag tatakpan. Ilagay ang kalabasa. 
Hayaang kumulo at maluto ng bahagya ang kalabasa. idagdag ang sitaw. haluin ng bahagya. Hintaying maluto ang mga gulay. timplahan ng ayon sa panlasa.


Simple way of topping your steamed rice. One healthy option for your kids to enjoy too! That's how my Cholo finished his'. 

My Iona indulged in it too with the squash mashed with the beef to make it a little yellowish! 

As for me and my nepot, we love to extract the finger chili to make it hotter!  

We love it. You surely will too!


trivia: para sa mga lutuin na hahaluan ng ibang ingredients na mamantika, mas mainam na gumamit ng lean beef. Pero kung gagawa ng beef dumplings at sausages, mas masarap na gamitin ang round ground beef para hindi mag-dry ang dish mo. both dumplings and sausages are better when tender yet firm and juicy!  


Great-tasting Piniñahang Manok (Chicken in milk with pineapple)

Pagkatapos ng sari-saring Mediteranean chicken dishes na gustung-gusto namin, naisip kong magluto ng chicken na hindi ko masyadong gusto.  And this is it! Pero, believe me, ito na ang pinaka-masarap na piniñahang manok na natikman ko (hahaha... buhatin ang sariling bangko!) Madali kase akong masuya sa dishes with milk, kaya i tried to modify it this time. You can try it. The secret? ginger juice and toasted garlic.





Mga sangkap (ingredients):

5-6 cloves garlic (pressed then minced)
1 onion (chopped)
little oil for sauteing
juice from a thumb-sized ginger (kinatas na luya)
1/2 kilo chicken wings or drumlets
salt and pepper 
1/2  cup evaporated milk (or 1 small can)
1 small can pineapples (chunks)
(include the juice)
wish, love and more love

Procedure:

Igisa ang bawang sa mantika hanggang maging golden brown.  Idagdag ang sibuyas. Haluin hanggang maging translucent ang sibuyas. Ilagay ang manok at ibuhos ang ginger juice.  Lagyan ng asin. haluin at takpan ng 3 minuto. hayaang maluto ang manok. Lagyan ng 3 Tbsp. ng juice from pineapple at 3 Tbsp. ng gatas. pakuluin sa mahinang apoy hanggang sa bahagyang makati ang sabaw. 


                                          this is how it looks while simmering...


This time, ibuhos na ang natitirang gatas at ang pinya. Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa. Simmer hanggang sa kumonti ang sabaw. Kailangang maging mejo malapot ang sabaw ng yong piniñahang manok.

Tikman! mmmm... good! 
Steamed rice lang ang katapat!


Trivia: Ang kinatas na luya ay maaring ilagay sa kahit na anong putaheng manok bago o habang niluluto. Nakaka-alis ito ng lansa ng manok at nakakadagdag ng sustancia sa luto mo. Pero ang pag-marinate ng manok sa asin ng hihigit pa sa 45 minutes can dry your chicken. Mawawala ang juice!