Mga sangkap (ingredients):
5-6 cloves garlic (pressed then minced)
1 onion (chopped)
little oil for sauteing
juice from a thumb-sized ginger (kinatas na luya)
1/2 kilo chicken wings or drumlets
salt and pepper
1/2 cup evaporated milk (or 1 small can)
1 small can pineapples (chunks)
(include the juice)
wish, love and more love
Procedure:
Igisa ang bawang sa mantika hanggang maging golden brown. Idagdag ang sibuyas. Haluin hanggang maging translucent ang sibuyas. Ilagay ang manok at ibuhos ang ginger juice. Lagyan ng asin. haluin at takpan ng 3 minuto. hayaang maluto ang manok. Lagyan ng 3 Tbsp. ng juice from pineapple at 3 Tbsp. ng gatas. pakuluin sa mahinang apoy hanggang sa bahagyang makati ang sabaw.
this is how it looks while simmering...
This time, ibuhos na ang natitirang gatas at ang pinya. Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa. Simmer hanggang sa kumonti ang sabaw. Kailangang maging mejo malapot ang sabaw ng yong piniñahang manok.
Tikman! mmmm... good!
Steamed rice lang ang katapat!
Trivia: Ang kinatas na luya ay maaring ilagay sa kahit na anong putaheng manok bago o habang niluluto. Nakaka-alis ito ng lansa ng manok at nakakadagdag ng sustancia sa luto mo. Pero ang pag-marinate ng manok sa asin ng hihigit pa sa 45 minutes can dry your chicken. Mawawala ang juice!
No comments:
Post a Comment