Saturday, May 25, 2013

Kinunot na Page (Stingray)

Ciempre, si nepot again!

Love ni nepot ang kinunot na page (stingray). At dahil minsan lang available ang page sa wet market, yon ang laging cravings nya dito-kinunot! Minsan, may mga restaurants na nagse-serve ng kinunot na page, pero hindi kami masyadong  ma-satisfy kase malabnaw (thin and not creamy) ang gata (coconut milk). Kaya mas gusto pa rin namin na home cooked na lang para magawa namin ang masarap na kinunot para sa min. 



At ang pinakamasarap na kinunot para sa min ay yong malapot (thick and creamy) ang gata na halos humahalo na ang laman ng page sa gata na parang dips ng chips. At eto ang recipe namin para sa kinunot na page.



Kinunot pa page.
Creamy and Delicious! 

Ingredients: 
1 kilo karne ng page (mabibili na sa palengke ng naka-cubes na o tinadtad na) 
1 tasa ng kakang gata (first extract) 
1 tasa ng gata (second extract) 
5-6 buti ng bawang, tinadtad 
1 maliit na piraso ng luya, kinatas 
3-4 piraso ng luyang dilaw, pinitpit (pwede din ang powder) 
4 pirasong siling haba 
4 siling labuyo (or chili powder) 
1 tangkay ng tanglad, pinitpit (pressed) 
2 kutsarang patis (fish sauce) 
asin at paminta 
mantika


Procedure:
Pakuluan ang page ng may konting asin hanggang sa lumambot. Kailangang malambot na malambot para makagawa ng masarap na kinunot. Palamigin at himayin. Alisin ang balat.  Masahin ang karne ng page gamit ang dough masher o tinidor kung walang masher.
Samantala, ihanda ang gata. Kung gamit mo ay kinayod na niyog, gumamit ng isang tasang maligamgam na tubig para sa kakang gata at isa pang tasang tubig para sa ikalawang gata. Kung gagamit naman ng readily available na gata, sundin lang ang instructions sa packaging para makagawa ng dalawang tasang gata.   


Lutuin natin...

Igisa ang bawang sa mainit na mantika. Ingatang wag masunog ang bawang. Ihalo ang sibuyas at ang luya. Igisa dito ang ang karne ng page. Haluing maige. Ibuhos ang ikalawang gata. Wag haluin at takpan. Hayaang kumulo. Hinaan ang apoy hanggang sa bahagyang makati ang sabaw. Idagdag ang luyang dilaw at ang tanglad, ang siling haba at siling labuyo. Timplahan din ng patis. Ibuhos ang unang gata. Hayaang kumulo hanggang makati ang sabaw pero hindi tuyo. Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa. Maaaring lagyan ng hinimay na malunggay para sa dagdag na sustansya.  Sarap! Bagay sa mainit na kanin o pandesal! Kain ta!



Trivia:
Kinunot ang tawag sa hinimay ng pino or shredded sa Ingles at niluto sa gata. Sa mas pino  pang paghihimay at saka mamasahin ng tinidor, makakagawa ng masarap na palaman mula sa karne ng page o tinatawag na pâté sa Ingles.  Ang recipe na ito ay maaari ring mabasa sa wikang Ingles sa isa kong page or site. Maari po lamang na basahin ang ibang links. 
  

No comments: