Friday, January 27, 2012

Beefy Ginataang Kalabasa at Sitaw (Beef with yellow squash and string beans in coconut milk)

Simple ginataan dish that is completely healthy! This dish has the perfect combination of the coconut milk and the milky flavor of beef. Parehong favorites ni nepot! Kaya lang since he's blood type B, i also limit his cravings for ginataan. So, i added oil that is suitable or healthy for him (para mag-blend sa coco oil). At yon na yon--ang beef juice na hahalo sa coconut milk will produce a really delicious flavor (at ciempre ang nutrients ng kalabasa). Pick the yellow one. You only have to simmer the beef (without water) in low fire, to extract its juice. At sa dish na ito, hindi na ako gumamit ng ikalawang gata. I just used kakang-gata (or the first extract) I just added a little water to it.
Well, just one healthy way of pampering my nepot!

Mga sangkap (ingredients):

3 cloves garlic (chopped)
1 medium-sized onion (finely chopped)
300 grams ground beef (lean)
1/4 of a medium sized yellow squash (you can add more if you want)
5-6 pieces string beans (sitaw) (cut into 2")
2 green finger chili
1 full cup kakang gata                                                                                         plus 1/2 cup warm water, salt and pepper to taste
humimig na parang hangin...                                                                                       


Paano lutuin:

Ilagay ang ground beef sa isang mababaw na pan at isalang sa mahinang apoy. Ihalo ang bawang at sibuyas. Lagyan ng konting asin. Haluin at takpan. Hayaang makatas ang juice ng beef habang umiinit ang pan. Hintaying makatas ang juice bago ibuhos ang gata at ang tubig. Huwag tatakpan. Ilagay ang kalabasa. 
Hayaang kumulo at maluto ng bahagya ang kalabasa. idagdag ang sitaw. haluin ng bahagya. Hintaying maluto ang mga gulay. timplahan ng ayon sa panlasa.


Simple way of topping your steamed rice. One healthy option for your kids to enjoy too! That's how my Cholo finished his'. 

My Iona indulged in it too with the squash mashed with the beef to make it a little yellowish! 

As for me and my nepot, we love to extract the finger chili to make it hotter!  

We love it. You surely will too!


trivia: para sa mga lutuin na hahaluan ng ibang ingredients na mamantika, mas mainam na gumamit ng lean beef. Pero kung gagawa ng beef dumplings at sausages, mas masarap na gamitin ang round ground beef para hindi mag-dry ang dish mo. both dumplings and sausages are better when tender yet firm and juicy!  


Great-tasting Piniñahang Manok (Chicken in milk with pineapple)

Pagkatapos ng sari-saring Mediteranean chicken dishes na gustung-gusto namin, naisip kong magluto ng chicken na hindi ko masyadong gusto.  And this is it! Pero, believe me, ito na ang pinaka-masarap na piniñahang manok na natikman ko (hahaha... buhatin ang sariling bangko!) Madali kase akong masuya sa dishes with milk, kaya i tried to modify it this time. You can try it. The secret? ginger juice and toasted garlic.





Mga sangkap (ingredients):

5-6 cloves garlic (pressed then minced)
1 onion (chopped)
little oil for sauteing
juice from a thumb-sized ginger (kinatas na luya)
1/2 kilo chicken wings or drumlets
salt and pepper 
1/2  cup evaporated milk (or 1 small can)
1 small can pineapples (chunks)
(include the juice)
wish, love and more love

Procedure:

Igisa ang bawang sa mantika hanggang maging golden brown.  Idagdag ang sibuyas. Haluin hanggang maging translucent ang sibuyas. Ilagay ang manok at ibuhos ang ginger juice.  Lagyan ng asin. haluin at takpan ng 3 minuto. hayaang maluto ang manok. Lagyan ng 3 Tbsp. ng juice from pineapple at 3 Tbsp. ng gatas. pakuluin sa mahinang apoy hanggang sa bahagyang makati ang sabaw. 


                                          this is how it looks while simmering...


This time, ibuhos na ang natitirang gatas at ang pinya. Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa. Simmer hanggang sa kumonti ang sabaw. Kailangang maging mejo malapot ang sabaw ng yong piniñahang manok.

Tikman! mmmm... good! 
Steamed rice lang ang katapat!


Trivia: Ang kinatas na luya ay maaring ilagay sa kahit na anong putaheng manok bago o habang niluluto. Nakaka-alis ito ng lansa ng manok at nakakadagdag ng sustancia sa luto mo. Pero ang pag-marinate ng manok sa asin ng hihigit pa sa 45 minutes can dry your chicken. Mawawala ang juice!  

Saturday, November 12, 2011

masarap na Shao-mai ni dumai

Mahilig kami sa authentic Chinese dishes, minus the msg... pero among those dishes, shao-mai ang una kong pinerfect! well, hindi siguro perfect sa iba pero para kay nepot, my shao-mai has the most delicious shao-mai-y taste! Ganyan ako mag-describe ng pagkain. I just want to repeat or quote what others have said. Tamang-tama lang kase ang timpla at habang kinakain mo, lalo kang natatakam dahil sa sarap ng chili-garlic paste na ginagawa ko rin ahead of time. Akala ko dati, nasa sawsawan lang ang secret, hindi pala. Pag maraming klase na ang natikman mo, may hahanap-hanapin kang isang pinakamasarap para sayo sa mga yon. Simple lang ang recipe kong ito ng shao-mai. Although, modified version ko na ito kase i don't use msg, I think, it's the ginger and the sesame oil which make my shao-mai authentic! At ng una ko itong subukan, nasundan yon ng isa pang request at isa pa at isa pa... that was eleven years ago. At ang totoo, nasa kamay lang ang sikreto. Never overdo the mixture. :)  


Dati-rati, bumibili lang ako ng wonton wrapper na readily available in the market. I preferred the thin ones na mas elastic kesa sa makapal na madaling masira. Ngayon, marunong na akong gumawa ng wrappers. Mas masarap at garantisado! Mejo time-consuming nga lang ang recipe na ito kung gagawa ka pa ng wrapper, but it's worth a try! 


nakakatakam, di ba?


Shao-Mai


Ingredients:


1/2 kilo giniling na karne ng baboy (ground pork)
1/2 kilo giniling na karne ng baka (ground beef)
2 tablespoons katas ng luya (ginger juice) -dikdikin ang luya hanggang sa makatas
2 tablespoons cornstarch
5 cloves garlic (finely minced)
1 medium-sized onion (finely chopped or minced)
1 egg
1 cup bread crumbs
2 tablespoons sesame seeds (toasted)
1 tablespoon salt 
1 tablespoon sesame oil
pepper to taste
wonton wrappers o gumawa ng sariling wrappers (recipe below)
calamansi, chili-garlic paste (recipe below) at soy sauce 
Mahabang oras at tiyaga


Pagsama-samahin ang lahat ng ingredients na binanggit sa taas. Haluin ng malinis na kamay upang magsama-sama ang lahat ng sangkap.  Ihanda ang wonton wrappers at lagyan ang bawat isa ng isang kutsarita (teaspoon) ng pinag-samasamang sangkap. 
Pasingawan sa kumukulong tubig (steam in a rolling boil) ng 15 minuto. 




Serve with chili-garlic paste, calamansi at soy sauce. Sprinkle with toasted sesame seed and chopped shallots before serving.




Chili-garlic paste


Ilagay ang 1/4 tasang dinikdik at tinadtad na bawang (finely minced garlic) sa kawali, lagyan ng 1/8 tasang tubig at tinadtad na sili. Pakuluin sa mahinang apoy hanggang sa maging parang paste at makati (maubos ang tubig). Buhusan ng konting mantika at haluin hanggang sa maging brown ang bawang. Maaring gumamit ng chili-powder  o kuchugaru kung gusto ang mapulang kulay nito. 




Wonton wrappers:


3 cups all purpose flour 
1 egg (beaten)
1/8 cup water


Ilagay sa isang bowl ang flour, ilagay ang itlog. Dahan-dahang lagyan ng tubig habang hinahalo. Masahin (Knead well) mabuti hanggang sa maging isang bola ng dough at wala ng dumidikit sa kamay habang minamasa. I-roll ang dough at putul-putolin sa sukat na1" bawat isa. Gawing bilog na parang holen ang bawat isang gayat. I-flatten ng rolling pin hanggang sa maging manipis na bilog. Gamitin gaya ng regular na paggamit ng wonton wrappers. 
Maari din itong gamitin sa fried at boiled dumplings. 




Trivia:  Kuchugaru - Ay ang tawag sa red hot chili powder sa Korea. Ito ay kulay pula na nagbibigay ng magandang kulay sa lutuin. Ito ang ginamit na pampa-anghang sa chili-garlic paste sa taas. 





Thursday, October 13, 2011

Ginataang Igat (eel), para kay nepot

Kung merong klase ng luto na gusto ni nepot at least isang beses sa isang linggo, ginataan yon. kaya halos na-perfect ko na ang ginataan ko sa loob ng 12 years! Mula sa bicol express, ginataang karne ng kalabaw, ginataang talong, ginataang alimasag na may kalabasa  at kung anu-ano pa. pero ibang-iba ang ginataan ko ngayon! Bibihira lang ako makakita ng ganitong isda sa palengke lalo na ang ganito kalalaki. Eel ang tawag dito o igat sa tagalog. Pero sa  ibang bahagi ng katagalugan, Ubod ang tawag nila dito. Kelangan mong pumili ng malalaki para hindi masyadong matinik. At kung lasa naman ang pag-uusapan... hay, pamatay sa sarap! Sa Manay, sa davao oriental, casili ang tawag nila dito. At ang lalaki nila! Hindi pwedeng i-display ng buo sa palengke kase katatakutan ng mamimili. parang anacondas ang laki! and they are expensive! Probably the most expensive you can find in their market. Ngayon, gusto kong i-share ang recipe ko ng ginataang igat sa inyo. Ang recipe pong ito ay may tama lamang na kombinasyon ng mga sangkap o ingredients. Maaaring dagdagan ang timpla ng naaayon sa panlasa. 


Ingredients:

    • 1 kilong igat (hiniwa sa 1.5 inches ang bawat isa)
    • 2 cups kakang gata ng niyog (unang gata)
    • 2 cups ikalawang gata 
    • 1/2  kutsara ng pulbos na luyang dilaw (turmeric powder)
    • 1 kutsara ng curry powder
    • 1 pirasong sibuyas, tinadtad
    • 3 butil ng bawang, pinitpit
    • 5 pirasong siling haba,hiniwa ng pahilis (finger chilies, cut diagonally)
    • 2 kutsarang suka
    • asin at paminta (ayon sa panlasa)
    • siling labuyo (kung gusto lang naman)
    • isang kilong tyaga at saya


Paano Lutuin:


Magtunaw ng asin sa suka. Lagyan din ng paminta at ibuhos sa ginayat na igat. Isalansan sa kawali o sa isang mababaw na kaserola ang mga ito. ilagay ang bawang, paminta,curry powder at ang luyang dilaw. ibuhos ang ikalawang gata. Isalang sa apoy. Hayaang kumulo at saka hinaan ang apoy. BABALA: Wag hahaluin at wag tatakpan Kapag luto na ang isda, ibuhos na ang kakang gata. Hayaang kumulo. Ilagay ang hiniwang siling haba. Maaari ng haluin ng dahan-dahan. Hinaan ang apoy, at hayaang makati ng bahagya ang sabaw. Lagyan ng asin at paminta ayon sa panlasa. :D


Para kay nepot, ito ang pinakamasarap na luto sa igat. Pwede ring gamitin ang recipe sa hito (catfish) at sa tulingan (mackerel). enjoy!!! :D hindi pwedeng walang kanin...  saing na!

XOXOXO
=)
Trivia: Turmeric Powder - ay pinulbos na luyang dilaw. Ito ay maaring pinulbos na pinatuyong ugat ng luyang dilaw, o kinatas at saka pinatuyo. Mainam sa maraming uri ng sakit at nakapagpapagaling ng mga problema sa kalusugan at balat, lalo na sa isang blood type O.

Wednesday, October 12, 2011

Kare-kare, ang paborito ni nepot


Naku, ang daming paboritong pagkain ni nepot. At dahil lagi nyang pinupuri ang lasa at klase ng pagkaing niluluto ko, cia ang paborito kong guest sa kusina. Ang sarap nyang kasama sa pagkain. Gaganahan ka kahit busog ka na! Sige, ishi-share ko sa inyo ang ilan sa mga pinaka-paborito nyang pagkain! At dahil top of the list ang karneng baka, nangunguna ang Kare-kare. kahit sino sigurong pinoy, lalo na ang nasa abroad, hinahanap-hanap ang sarap ng kare-kare! Siguro nga, pinakamasarap sa kanya ang luto ko kaya kahit kelan ay hindi na nya sinubukan umorder ng kare-kare sa kahit saang restaurant. he would always say that mine is the BEST! Now, let me share this one bowl to you... 


Natakam ka ba?  


Nong bata pa ako, sabi ng tatay ko, mas lalo raw sumasarap ang kare-kare pag natagalan na sa fridge(nabahaw na kare-kare). At totoo yon! o siguro depende sa panlasa ng tao. Pero dito sa amin, kahit sauce na lang natitira, tinatabi pa rin sa fridge. At noon din, tinutulungan ko ang nanay ko mag- grind ng freshly cooked peanuts, oil and sugar altogether para makagawa kami ng homemade peanut butter. At yon ang pinakamasarap na ingredient ng kare-kare.  You really have to try this! 


Recipe:
  •  1/2 kilong buntot at tuwalya ng baka (gayatin ng ayon sa serving, kasama ang balat)
  • tubig (sapat na matakpan ang karneng lalagain)
  • 1/2 kilong peanut butter (pinoy style peanut butter ang the best)
  • 2-3 pirasong puso ng saging (pag-apatin ang bawat isa)
  • 10  piraso ng sitaw (putul-putulin)
  • 10  dahon ng pechay na tagalog
  • 4    pirasong talong, katamtaman ang laki at hiwain ayon sa gustong sukat
  • 1/4 tasang buto ng achuete
  • 10   butil ng bawang (pitpitin at tadtarin)
  • 3    pirasong sibuyas (katamtaman ang laki, tinadtad)
  • 1/8 tasang mantika
  • konting paminta (kung gusto)
  • maraming oras at pagmamahal

Paano Lutuin:

Ilagay ang buntot at tuwalya ng baka sa isang mabigat na kaserola. Lagyan ng tubig. kelangan matakpan ng tubig ang karne. Takpan, pakuluin hanggang sa lumambot. Matagal ang pagluto ng kare-kare, kaya kelangan umpisahan ng maaga ang pagpapalambot. Hinaan ang apoy pagkatapos kumulo hanggang lumambot ang karne. Kelangang malambot din ang balat ng baka na parang gelatin ang itsura. Ang sarap! At dahil dito, magiging malapot ng konti ang sabaw ng kare-kare mo. wag kalimutang dagdagan (tibhawan) ang tubig. Iwasang makati ang sabaw. 

Kapag malambot na, patayin na ang poy. Painitin ang kawali, lagyan ang mantika, painitin at idagdag ang buto ng achuete. Pahinain ang apoy. Iwasang masunog ang mga buto hanggang maging kulay orange ang mantika. 

Alisin ang mga buto (Ilagay sa isang tasa at buhusan ng mainit na tubig para makatas pa ang natitirang kulay ng mga buto. Itabi. Maaari mo itong gamitin kung sa palagay mo ay kulang sa ganda ng kulay ang iyong kare-kare. Oo, sinabi kong ganda ng kulay dahil importanteng maganda ang kulay ng pagkain.) 


Igisa ang bawang sa mantikang kulay orange. Idagdag ang sibuyas. Hintayin maging translucent o masilag ang sibuyas. Idagdag ang pinalambot na karne. Haluin ng ilang minuto. Ibuhos ang sabaw. Pakuluin. Idagdag ang peanut butter. Haluin muli. Hayaang kumulo. Kung sa tingin mo ay kulang ang kulay, maaari mo ng ibuhos ang tubig na pinagbabaran ng mga buto ng achuete. Wag kalimutang alisin ang mga buto ng achuete. Pakuluin ng 2 minuto.

Magpakulo ng tubig sa isang kaserola. Lutuin ang puso ng saging ng 5 minuto sa kumukulong-tubig. Iwasang ma-overcook. Alisin ang puso ng saging sa kumukulong tubig at lutuin naman ang sitaw at talong. Tig lilimang (5) minuto lang ng pagpakulo sa mga gulay upang manatiling malutong. Mmmmm... crunchy! Salain sa colander ang mga nilutong gulay para patuluin ang sobrang tubig. Isalang ulit sa apoy ang kare-kare at idagdag ang mga gulay. Isama na rin ang pechay. Hayaang kumulo ng 2 minuto lamang.  Your kare-kare is now done! Sarap!

Pero ciempre, hindi makukumpleto ang sarap ng kare-kare kung walang Alamang!  Tinatawag din itong balaw sa southern tagalog region, at shrimp paste naman sa English. Yan ang mababasa mo kung bibili ka ng naka-bote sa mga supermarket. Yan din ang nakasulat sa mga English recipes.  pero kung gusto mo ng home-made, pwede mong igisa ang sariwang alamang galing sa palengke. Ang masarap na ginisang alamang para sa akin ay yong ginisa sa maraming bawang!.

Igisa ang isang tasang alamang sa 1/4 tasang tinadtad na bawang at isang pirasong sibuyas na tinadtad. Hayaang malutong maige ang alamang sa bawang bago hanguin. 

Ready na! 
Rice pa please...

Trivia: tibhaw o tibhawan (verb) -ibig sabihin dagdagan ng tubig o kahit anong likido (liquid).
Ang sarsa o sabaw ng kare-kare ay tinatawag na peanut sauce sa English.